Main Lyrics

Kahit 'di mo napapansin
Sa ibang lugar nakatingin
Ano ang dapat na aking gagawin
Upang damdamin ay makarating?

Saksi ang buong daigdig
Minamalas ang 'yong mga ngiti
Maging itong rikit at ningning
Ngunit ang tanging pinapangarap
Sana ako ay 'yong mahalin

Nag-aapoy na tala, natatanaw sa langit
Tanging gabay sa madidilim na gabi
Nag-aapoy na tala, natatanaw sa langit
Pag-ibig ba sa'yo ay darating?
Sa layong 'di mo na mapapansin

Sipatin ang kalangitan
Hanapin mo'ng malapitan
Hawiin ang ulap, tuntunin ang kislap
Ang tanging alay, ako ay iyong saluhin

Mga tala ay luhang natatanaw sa langit
Napupuno ang buong kalangitan
Nadarama mo ba, bigat ng aking puso?
Balang araw, sana'y masasabi
Pag-ibig ko ay iyong mapansin

Nag-aapoy na tala, natatanaw sa langit
Tanging gabay sa madidilim na gabi
Nag-aapoy na tala, natatanaw sa langit
Pag-ibig ba sa'yo ay darating?
Sa layong 'di mo na mapapansin

Mga tala ay luhang natatanaw sa langit
Napupuno ang buong kalangitan
Nadarama mo ba, bigat ng aking puso?
Balang araw, sana'y masasabi
Pag-ibig ko ay iyong mapansin

Information
Last Modified : April 27, 2025
Added by RUMREN ID - April 27, 2025

DisclaimersThe lyrics displayed in this article are submissions from our community. If there are any errors in the words or translations, please report them to us for correction.
  • No comments yet.
  • Add a review

    You May Also Be Interested In